Lebron, tunay na ‘Da King!’
NBA record ni Kareem Abdul-Jabbar, winasak
LOS ANGELES, Philippines — Kagaya ng inaasahan, hinirang si LeBron James ng Lakers bilang bagong NBA career scoring leader matapos ungusan ang record ni NBA great Kareem Abdul-Jabbar.
Sa kabila ng kanyang hinataw na 38 points ay nalasap pa rin ng Lakers (25-30) ang 130-133 kabiguan sa Oklahoma City Thunder (26-28).
Nalampasan ni James ang NBA record na itinayo ng 75-anyos na si Abdul-Jabbar noong Abril ng 1984.
May 38,390 points ngayon si James kasunod ang 38,387 ni Abdul-Jabbar.
Sinamahan nina Abdul-Jabbar at NBA Commissioner Adam Silver ang emosyunal na si James sa court matapos isalpak ng four-time NBA champion ang historic stepback jumper sa third period.
“I just want to say thank you to the Laker faithful,” wika ng 38-anyos na si James. “You guys are one of a kind. To be able to be in the presence of such a legend as great as Kareem, it’s very humbling.”
Sa Denver, nagtala si Nikola Jokic ng 20 points, 16 assists at 12 rebounds para sa kanyang ika-19 triple-double sa season sa 146-112 pagmasaker ng Nuggets (38-17) sa Minnesota Timberwolves (29-28).
Sa Memphis, umiskor si Ja Morant ng 34 points para sa 104-89 panalo ng Grizzlies (33-21) sa Chicago Bulls (26-28).
Sa New York, kumamada si Deandre Ayton ng career high na 35 points sa 116-112 pagtakas ng Phoenix Suns (30-26) sa Brooklyn Nets (32-22).
- Latest