Green, Hardy pasikat sa panalo ng Mavs sa Jazz
SALT LAKE CITY — Nagsalpak sina Josh Green at Jaden Hardy ng mga career highs na 29 points sa 124-111 panalo ng Dallas Mavericks sa Utah Jazz.
Hindi pa naglalaro si Kyrie Irving para sa Mavericks (29-26) matapos ang trade sa Brooklyn Nets habang hindi nakita sa aksyon si Luka Doncic (heel bruise).
Dumating kahapon si Irving kasama si Markieff Morris sa Dallas para sumailalim sa physical examination at inaasahang maglalaro sa pagharap ng Mavericks sa Los Angeles Clippers bukas.
Nakuha ng Dallas sina Irving at Morris mula sa Brooklyn Nets kapalit nina Spencer Dinwiddie, Dorian Finney-Smith, isang 2029 first-round pick at dalawang future second-round picks.
Humataw si Fil-Am Jordan Clarkson ng 26 points sa panig ng Jazz (27-28) habang may 19 markers at 7 rebounds si Lauri Markkanen.
Sa San Francisco, kumonekta si Thompson ng season-high na 12 triples para sa kanyang 42 points sa 141-114 paggupo ng Golden State Warriors (28-26) sa Oklahoma City Thunder (25-28).
Sa Detroit, naglista si Jayson Tatum ng 34 points sa 111-99 pagdaig ng Boston Celtics (38-16) sa Pistons (14-41).
Sa New York, humataw si Paul George ng 29 points sa 124-116 panalo ng LA Clippers (31-26) sa Nets (32-21).
- Latest