Sotto sasalang agad sa Japan B.League

MANILA, Philippines — Sasalang agad si Kai Sotto suot ang Hiroshima jersey sa Japan B.League.
Excited na ang Hiroshima na makasama si Sotto na magdadagdag ng malakas na puwersa sa kanilang kampanya sa B.League.
“If Kai Sotto joins our team, we are able to run the Big Line up and create a new rotation. We also will have a huge advantage for simply inside of the paint with his height and talent,” ani Hirosima general manager Shuji Okazaki.
Unang sasabak si Sotto sa Marso 8 laban sa Ryukyu Golden Kings na team ni Gilas standout Carl Tamayo.
Nagpasalamat si Sotto sa tiwalang ibinigay sa kanya ng Hiroshima at umaasa itong masusuklian nito ang lahat sa oras na maglaro ito sa kanilang tropa.
Nakatakdang tumulak si Sotto sa Japan bago bumalik sa Pilipinas para samahan ang Gilas Pilipinas sa kampanya nito sa sixth window ng 2023 FIBA World Cup Asian Qualifiers sa Philippine Arena.
Bahagi si Sotto ng Gilas Pilipinas pool na sasabak sa FIBA meet.
At inaasahang isa ito sa papangalanan ni Gilas Pilipinas head coach Chot Reyes sa Final 12.
Matagal nang target ng Hiroshima si Sotto.
- Latest