^

PSN Palaro

Sotto, 36ers sibak sa NBL

John Bryan Ulanday - Pilipino Star Ngayon
Sotto, 36ers sibak sa NBL
Kai Sotto
Instagram / Kai Sotto

MANILA, Philippines — Limitadong aksyon lang isinalang si Kai Sotto sa pag-exit ng Adelaide 36ers matapos ang krus-yal na 107-116 kabiguan sa Melbourne United sa pag­tatapos ng 2022-2023 Australia National Basket-ball League (NBL) regular season kahapon sa John Cain Arena.

Halos dalawang minuto lang naglaro ang 7-foot-3 Fi­lipino sensation sa first quarter at hindi na ibinalik sa nasabing laban sa kabila ng pagiging starting center ng 36ers ngayong season.

Dahil dito ay nabokya si Sotto at nagkasya lang isang rebound.

Bumida para sa Ade-laide si Antonius Cleveland na may 30 points, habang nagdagdag ng 20 markers si Sunday Dech.

Nagtapos sa pang-wa-long puwesto ang Adelaide hawak ang 13-15 baraha sa likod ng Perth at dating kampeon na Melbourne na may 15-13 kar­tada.

Ito na ang ikalawang su­nod na season na hindi na­kapasok ang 36ers sa NBL playoffs sa ikalawang taon din ni Sotto.

Noong nakaraang season ay bagsak sila sa ika-7 puwesto hawak ang 10-18 kartada.

Ang Top 6 teams lang ang tanging papasok sa NBL playoffs.

vuukle comment

KAI SOTTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with