Nuggets ikinulong ang Hawks
DENVER — Nagpasabog si Jamal Murray ng season-high na 41 points, habang inilista ni Nikola Jokic ang kanyang ika-18 triple-double sa season sa 128-108 demolisyon ng Nuggets sa Atlanta Hawks.
Tumapos si Jokic na may 14 points, 18 rebounds at 10 assists para sa kanyang pang-94 regular-season triple-double sa career.
Nag-ambag si Michael Porter Jr. ng 23 points para sa Denver na tinablahan ang Boston Celtics para sa NBA best record na 37-16.
Tumipa si Dejounte Murray ng 28 points para sa Atlanta (27-27) at may 20 markers si De’Andre Hunter.
Kinuha ng Nuggets ang 18-point lead sa halftime, 70-52, at tuluyan ang ibinaon ang Hawks sa 124-103 sa huling 2:23 minuto ng fourth period.
Sa New Orleans, kumamada si Brandon Ingram ng 35 points sa 131-126 panalo ng Pelicans (27-27) sa Los Angeles Lakers (25-29).
Sa San Francisco, naglista si Stephen Curry ng 21 points, 7 assists at 6 rebounds sa 119-113 panalo ng nagdedepensang Golden State Warriors (27-26) sa Dallas Mavericks (28-26).
Sa Milwaukee, humakot si Giannis Antetokounmpo ng triple-double na 35 points, 15 rebounds at 11 assists sa 123-115 pagpapalamig ng Bucks (36-17) sa Miami Heat (29-25).
Sa New York, humataw si Kawhi Leonard ng 35 points at may 30 markers si Paul George sa 134-128 overtime win ng LA Clippers (30-26) sa Knicks (28-26).
Sa Detroit, naglista si Deandre Ayton ng 31 points sa 116-100 pagtunaw ng Phoenix Suns (29-26) sa Pistons (14-40).
- Latest