Jarencio balik sa UST kapalit ni Bal David
MANILA, Philippines — Opisyal nang magbabalik si veteran mentor Pido Jarencio bilang head coach ng University of Santo Tomas sa UAAP men’s basketball tournament.
Mismong ang school paper ng unibersidad na The Varsitarian ang nag-ulat na nakipag-usap na si Jarencio sa pamunuan ng UST para maiselyo ang kasunduan.
Nakilala na ni Jarencio ang buong Growling Tigers squad sa ensayo ng koponan sa UST Quadricentennial Pavillion.
Hindi na bago si Jarencio sa kampo ng Growling Tigers.
Dinala niya ang UST sa kampeonato sa UAAP Season 69 noong 2006, habang nakasiguro rin ito ng runner-up sa UAAP Season 75 noong 2012.
Nilisan ni Jarencio ang UST para pagtuunan ng pansin ang pagiging coach ng NorthPort sa PBA.
Wala pang opisyal na statement si Jarencio.
Ngunit usap-usapan na ang pagpasok nina dating UST players Japs Cuan at Jeric Fortuna bilang assistant coaches.
Kasama rin sina Juven Ledesma at Jaren Jarencio sa coaching staff.
Papangalanan namang consultant ng Growling Tigers si Colegio de San Juan de Letran head coach Bonnie Tan.
Inaasahang maglalabas ng opisyal na statement ang UST sa mga susunod na araw.
Target ng UST na muling maiangat ang koponan sa UAAP.
Sa UAAP Season 85 men’s basketball tournament, kulelat ang Growling Tigers na may 1-13 rekord sa ilalim ni dating coach Bal David.
- Latest