^

PSN Palaro

TNT, SMB imports kasado na para sa EASL

John Bryan Ulanday - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Halos kasado na ang mga imports ng San Miguel Beer at TNT Tropang Giga para sa nalalapit na kampanya sa 2023 East Asia Super League (EASL) Champions Week sa Japan bilang kinatawan ng PBA.

Nasa negosasyon na ang Tropang Giga upang masikwat ang serbisyo ni dating NorhtPort import Prince Ibeh habang nasiguro na ng Beermen si Jessie Govan bilang ikalawang import nila sa EASL.

Makakatambal ni Ibeh si Jalen Hudson at ma­ka­kaakbay ni Govan si Ca­me­ron Clark na nagsisilbing imports ng TNT at SMB sa 2023 PBA Governors’ Cup, ayon sa pagkakasunod.

Tig-dalawang imports ang puwedeng iparada ng mga koponan sa EASL sa Marso 1-5 sa Japan tampok ang mga champion at runner-up teams ng Taiwan, Japan, South Korea at Hong Kong.

 Nauwi muna sa isang linggong torneo sa Japan ang EASL mula sa planong opisyal na pagbubukas ng Season 1 bilang pinakabagong regional league sa Asya tampok ang home-and-away format na tatakbo ng isang taon.

Ngayong taon inaasa­hang pormal na sisimulan ng EASL ang home-and-away seasons at inaaaba­ngang magdadagdag pa ng ibang champion teams sa ibang Asian leagues sa mga susunod na season upang samahan ang 8 pioneers kabilang na ang PBA.

EAST ASIA SUPER LEAGUE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with