^

PSN Palaro

Fajardo, Thompson namuno sa botohan

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Fajardo, Thompson namuno sa botohan
June Mar Fajardo
PBA image

MANILA, Philippines — Nangunguna sina June Mar Fajardo ng San Miguel Beer at Scottie Thompson ng Barangay Ginebra sa botohan para sa pagba­balik ng PBA All-Star Weekend.

Nakalikom na si Fajardo ng 37,915 boto mula sa mga fans, habang nakadikit naman si Thompson na may 37,759 boto.

Matatapos ang botohan sa Pebrero 15.

Sa oras na matapos ang deadline ay papanga­lanan na ang mga maglala­ro sa All-Star Weekend na gaganapin sa Marso 9 hanggang 12 sa Passi, Iloilo City.

May 24 players ang mag­lalaro sa All-Star Weekend.

Nasa No. 3 spot si Japeth Aguilar ng Barangay Ginebra tangan ang 37,322 boto, habang ikaapat si Ja­mie Malonzo ng Gin Kings (32,988) at ikalima si Calvin Abueva ng Magnolia (32,503).

Nasa listahan din sina CJ Perez ng Beermen (31,184), Christian Stand­har­dinger ng Gin Kings (29,821), James Yap ng Rain or Shine (28,117), LA Tenorio ng Gin Kings (28,027) at Stanley Pringle ng Gin Kings (27,441).

Ang iba pang nasa bo­tohan ay sina Terrence Ro­meo (24,821), Jayson Castro (24,408), Paul Lee (24,126), Robert Bolick (23,468), Roger Pogoy (20,042), Chris Newsome (19,637), Jeremiah Gray (18,875), Mikey Williams (18,826), Marcio Lassiter (18,556), Arvin Tolentino (18,444), Mark Barroca (17,139), Gabe Norwood (15,448), Calvin Oftana (15,427) at Kevin Alas (15,205).

Hindi lamang players ang pinagbobotohan dahil kasama rin ang mga coaches na nais ng fans na humawak sa mga teams sa All Star Weekend.

vuukle comment

JUNE MAR FAJARDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with