^

PSN Palaro

Sistema ni Alinsunurin kuha na ng Titans

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Matapos ang ilang bi­gong pagtatangka, optimistiko ang Choco Mucho na mas magiging maganda ang takbo ng kanilang tropa sa pagsisimula ng Premier Volleyball League All-Filipino Conference sa Pebrero 4 sa Smart Arane­ta Coliseum.

Bago ang head coach ng Flying Titans sa ngalan ni veteran mentor Dante Alinsunurin.

At sa bagong sistema ng tropa ay tiwala si middle blocker Bea De Leon na ma­kakapasok sa podium ang Choco Mucho.

“For this conference, we are definitely looking at the podium finish. With our new coach, we’re confident that we can do just that,” ani De Leon.

Sapul nang sumali ang Flying Titans sa liga noong 2019 ang pinakamataas na pagtatapos nito ang dalawang beses na ikaapat na puwesto sa Open Confe­rence noong 2021 at 2022.

Sinabi ni De Leon na ma­­bilis na nakakasabay ang kanilang koponan sa sis­tema ni Alinsunurin.

Umaasa itong magi­ging maganda ang resulta ng kanilang pagsisikap sa ilalim ng paggabay ni Alin­sunurin.

“I think we’re adjusting really well with the new system. He is a very quiet man but he teaches very well. Hopefully, little by little, in time for the season, we can fully grasp his system,” kuwento pa ni De Leon.

Solido pa rin ang Choco Mucho dahil tanging si outside hitter Ponggay Gaston lamang ang nawala sa lineup.

Nagpasya si Gaston na lumundag sa Chery Tiggo.

vuukle comment

CHOCO MUCHO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with