^

PSN Palaro

EJ kampeon sa France

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
EJ kampeon sa France
EJ Obiena
STAR/File

MANILA, Philippines — Nasungkit ni Tokyo Olympics veteran Ernest John Obiena ang unang gintong medalya sa season na ito matapos pagharian ang Perche En Or men’s pole vault competition sa Roubaix, France.

Nairehistro ni Obiena ang impresibong 5.82 metro para masiguro ang unang puwesto sa natu-rang event.

Sinubukan pa ni O­biena na makuha ang 5.90 metro subalit bigo ito sa kanyang pagtatangka.

Tinalo ni Obiena si Yao Jie ng China na nagrehistro ng 5.75 metro na nagkasya lamang sa pilak.

Nasiguro naman ni Ethan Cormont ng France ang tanso bunsod ng na­itala nitong 5.56 metro.

Ito ang ikalawang me-dalya ni Obiena sa taong ito.

Una nang nakahirit ng pilak si Obiena sa International Jump Meeting sa Cottbus, Germany kung saan nakapagtala ito ng 5.77 metro.

Nanguna sa naturang event si Sam Kendricks ng Amerika na nagtala ng dikit na 5.82 metro.

Nakalinya pa ang ilang malalaking torneong lalahukan ni Obiena sa taong ito upang mas lalong tumaas ang kanyang kumpiyansa.

Kabilang sa mga lala­hukan ni Obiena ang World Championships na idaraos sa Budapest Hungary.

Dedepensahan din ni Obiena ang korona nito sa 32nd Souttheast Asian Games sa Phnom Penh, Cambodia sa Mayo.

Puntirya rin ni Obiena na masikwat ang gintong medalya sa Asian Games na idaraos naman sa Hangzhou, China kung saan paborito itong magkampeon at makapagtala ng bagong Asian record.

Kasalukuyang hawak ni Obiena ang Asian record na 5.91 metro na naitala nito noong nakaraang taon.

vuukle comment

EJ OBIENA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with