Strong Group pinabagsak ang UAE
MANILA, Philippines — Nalampasan ng Strong Group ang paghahabol ng United Arab Emirates national team sa final canto para itakbo ang 91-87 panalo sa pagdribol ng 32nd Dubai International Championship sa Al Nasr Club kahapon.
Kumamada si dating NBA guard at PBA import Shabazz Muhammad ng 24 points, 7 rebounds at 4 assists para banderahan ang tropa ni coach Charles Tiu.
Nagdagdag si Fil-Am guard Sedrick Barefield ng 23 markers, 5 rebounds at 5 assists habang kumolekta si dating NBA guard Nick Young ng 13 points at tumipa si dating PBA reinforcement Renaldo Balkman ng 12 points at 11 boards.
Bumalikwas ang Strong Group mula sa 19-27 agwat sa first period para agawin ang 52-41 bentahe sa halftime na kanilang pinalobo sa 70-50 sa 3:30 minuto ng third quarter.
Isang 11-0 atake ang inilunsad ng UAE sa huling tatlong minuto ng fourth quarter para makadikit sa 87-90 sa huling 20 segundo matapos mahulog sa 16-point deficit, 74-90.
Ang split ni Barefield ang tuluyan nang sumelyo sa panalo ng Strong Group.
- Latest