Cruz-Behag hahataw sa F2
MANILA, Philippines — Hahataw si dating UAAP Finals MVP Cha Cruz-Behag kasama ang F2 Logistics sa PVL All-Filipino Conference na papalo sa Pebrero 4 sa Smart Araneta Coliseum.
Marami ang nasabik sa pagbabalik-aksyon ng tinaguriang Miss Everything ng Philippine volleyball.
Pormal nang isiniwalat ng Cargo Movers ang pagbabalik ni Cruz-Behag sa kanilang social media accounts.
“An athlete who is working hard to regain her MVP Form. A disciplined fighter and a veteran leader,” ayon sa post ng Cargo Movers.
Masayang binuksan ng Cargo Movers ang pintuan nito kay Cruz-Behag na bahagi ng kanilang tropa na nagkampeon sa mga nakalipas na taon.
Nagpasya si Cruz-Behag na pansamantalang tumigil sa paglalaro upang bigyang-daan ang kanyang pagbubuntis.
Makakasama ni Cruz-Behag sina Aby Maraño, Ivy Lacsina, Ara Galang, Kim Fajardo, Majoy Baron, Kim Kianna Dy at ang bagong recruit na si Myla Pablo.
- Latest