^

PSN Palaro

Rondina-Gonzaga tandem pasok sa quarterfinals ng Pro Tour

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Rondina-Gonzaga tandem pasok sa quarterfinals ng Pro Tour
Ang tambalan nina Jovelyn Gonzaga at Sisi Rondina sa Volleyball World Beach Pro Tour Futures.

SUBIC, Philippines — Umusad sina Si­si Rondina at Jovelyn Gon­­zaga sa quarterfinals matapos sapawan ang mga koponan ng Canada at Czech Republic sa Volleyball World Beach Pro Tour Futures  kahapon dito sa Subic Bay Sand Court.  

Tinalo nina Rondina at Gonzaga ang mga mas ma­tatangkad na sina Darby Dunn at Olivia Grace Furlan ng Canada, 21-19, 21-18, sa morning match ng wo­men’s main draw.

Matapos ang dalawang oras ay pinatumba naman ng dalawang Pinay sina Czechs Valerie Dvornikova at Anna Pospisilova, 21-14, 21-16, para palakasin ang kampanya ng bansa sa tor­neong inorganisa ng Phi­lippine National Volleyball Federation (PNVF).

Nakatakda ngayon ang knockout quarterfinals.

Ito ang unang pagkaka­taon na nagtambal sina Gonzaga at Rondina sa isang international tournament.

Nauna nang nakatuwang ni Rondina si Berna­deth Pons sa pagkopo sa back-to-back Southeast Asian Games bronze me­dals.

Si Pons ay kasaluku­yang nagpapaga­ling sa kan­yang shoulder injury.

Samantala, umiskor si­na Genesa Jane Eslapor at Floremel Rodriguez ng 21-7, 21-13 panalo kina Singaporean Eliza Hong at Zhao Rong Phua.

Ngunit yumukod sina Eslapor at Rodriguez kina Yahli Ashush at Anita Dave, 13-21, 16-21, ng Israel sa ika­lawang laro.

Binigo naman nina Jude Garcia at Krung Arbasto sina Japanese Ryoto Sato at Ryo Shindo, 2-0, bago na­talo kina Martin Plavins at Mikhail Samoilov, 19-21, 21-18, 7-15, ng Latvia sa men’s main draw.

VOLLEYBALL

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with