^

PSN Palaro

Baldwin humingi ng suporta

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nananawagan si Ateneo De Manila University head coach Tab Baldwin ng solidong suporta mula sa kanilang komunidad bukas sa MOA Arena sa Pasay City.

Ito ay para sa paghahamon ng Blue Eagles sa nag­dedepensang University of the Philippines Fighting Ma­roons sa Game One ng UAAP Season 85 Finals.

“Here’s what I wanna say about the pressure that we might be feeling. I want MOA and Araneta to be chock full of blue in every potential seat that is available,” wika ni Baldwin, dating mentor ng Gilas Pilipinas.

Winakasan ng UP ang tatlong sunod na taong do­minas­yon ng Ateneo sa UAAP matapos pagharian ang na­ka­raang Season 84.

Naitakda ang finals rematch ng Blue Eagles at Figh­ting Maroons matapos manaig sa Final Four.

Sinibak ng No. 1 Ateneo ang No. 4 Adamson University, 81-60, habang pinatalsik naman ng No. 2 UP ang No. 3 National University, 68-61.

May 1-1 record ang Blue Eagles at Fighting Maroons sa elimination round.

“We need every single blue-blooded Filipino from around the world throwing every bit of weight they have behind this team,” sabi ni Baldwin sa Ateneo na muling pamumunuan ni naturalized center Ange Kouame. “Be­cause that’s how much respect I have for UP, and that’s how good I think that team is.”

UAAP

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with