Adebayo bumida sa panalo ng Heat sa Clippers; Murray itinakas ang Nuggets sa Blazers
MIAMI — Alam ni center Bam Adebayo na marami pang dapat gawin ang Heat para makaakyat sa team standings.
Humakot si Adebayo ng 31 points at 10 rebounds, habang kumamada si Jimmy Butler ng 26 points para banderahan ang Miami sa 115-110 panalo sa Los Angeles Clippers.
“If we worry about ourselves, I feel like we’re going to be all right,” sabi ni Adebayo sa Heat na may 12-14 record para sa No. 10 spot sa Eastern Conference.
Nag-ambag si guard Tyler Herro ng 19 points kasunod ang 17 markers ni Caleb Martin.
Tumipa naman si Paul George ng 29 points, 8 rebounds at 7 assists para sa Clippers (14-13) na nakahugot kina Reggie Jackson, Nic Batum at Marcus Morris Sr. ng 20 at tig-11 markers, ayon sa pagkakasunod.
Sa Portland, ipinasok ni Jamal Murray ang isang 3-pointer sa huling 0.9 segundo para itakas ng Denver Nuggets (15-10) ang 121-120 panalo kontra sa Trail Blazers (13-12).
Tumapos si Murray na may 21 points para sa Denver na pinigilan ang kanilang tatlong sunod na kamalasan.
Nagpasabog si Damian Lillard ng 40 points para sa Portland kasama ang triple sa huling 8.8 segundo na nagbigay sa kanila ng one-point lead.
Sinagot naman ito ni Murray ng kanyang tres para sa panalo ng Nuggets na nakakuha kay Nikola Jokic ng 33 points, 10 rebounds at 9 assists.
“It was a play for (Nikola Jokic) to get space and let him work,” ani Murray. “He fumbled it a little and he told me to come get it. I turned and looked at the clock, saw that I didn’t have to rush and I just went into my move.”
Sa San Antonio, nagsalpak si Keldon Johnson ng 32 points para wakasan ng Spurs (7-18) ang 11-game losing slump mula sa 118-109 pagdaig sa Houston Rockets (7-18).
- Latest