^

PSN Palaro

Japanese bets pasok sa main draw

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Japanese bets pasok sa main draw
Maruyama at Habaguchi
STAR/File

MANILA, Philippines — Nanguna sina Japanese Saki Maruyama at Erika Habaguchi sa mga teams na nakapasok sa main draw ng Volleyball World Beach Pro Tour Futures kahapon sa Subic Bay Sand Court.

Tinalo nina Maruyama at Habaguchi, ang kababayang sina Ami Shirahata at Sayaka Yamada, 21-18, 22-20,  para masiguro ang tiket sa susunod na round ng torneong inorganisa ng Philippine National Volleyball Federation (PNVF).

“It was hot but we enjoyed our match,” ani Habaguchi na dating miyembro ng Japan national team sa Incheon 2014 Asian Games.

Nanaig naman sina Canadians Darby Dunn at Olivia Grace Furlan kina  France bets Manon Rebuffel at Me­lody Benhamou, 18-21, 21-18, 15-10, para makapasok sa women’s main draw.

Nakaabang na sa main draw ang tatlong teams mula sa Pilipinas kasama ang mga koponan mula sa Japan, Norway, Singapore, Czech Republic, Netherlands, USA, Canada, South Korea at France.

Humirit din ng tiket sina Ryoto Sato at Ryo Shindo ng Japan na nanalo kina Austrians Stefan Schosswohl at Matthias Gersin, 21-19, 23-21 habang nanalo naman sina Israeli Tomer Hadar at David Lanciano kina David Lenc at Filif Habr ng Czech Republic, 22-20, 21-18.

PNVF

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with