^

PSN Palaro

Chope inangkin ang ika-3 URCC belt

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinasuko ni dating UFC campaigner Will “The Kill” Chope si Arvin Chan via rear naked choke para angkinin ang interim welterweight belt sa Universal Reality Combat Championship (URCC) 81 Decade of Success sa Cove sa Okada Manila noong Martes.

Ginamit ng 33-anyos na si Chope ang kanyang striking skills para talunin si Chan sa 1:45 minuto ng frst round at isuot ang ikatlo niyang korona sa tatlong weight classes.

Pinaganda ni 6-foot-4 Chope, nakabase ngayon sa Bangkok, Thailand, ang kanyang win-loss record sa 40-19 kasama ang 27 panalo via submissions.

Ito naman ang ikaanim na kabiguan ng 5-foot-10 na si Chan sa 15 laban.

Handa naman si reig­ning URCC welterweight champion Jon Adajar na labanan si Chope sa isang unification bout sa 2023.

Samantala, dinaig ng mga South Koreans sina Pinoy warriors Sugar Ray “The Mammoth” Estroso, dating URCC titlist Caloy “The Bad Boy” Baduria at Boss Bullet Manlilic sa 3 Versus 3 battle na bahagi ng main event.

“It was such an awesome night. Everybody went all out but it’s just too bad the last fight ended that way,” ani URCC founding president Alvin Aguilar.

Sa iba pang MMA bouts, binigo ni Mariano “The Hitman” Jones ng Costa Rica si Pinoy Gester Maglaque.

UFC

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with