^

PSN Palaro

Davis pasiklab sa Lakers vs Wizards

Pilipino Star Ngayon
Davis pasiklab sa Lakers vs Wizards
Dumakdak si Anthony Davis ng Lakers laban sa Wizards.

WASHINGTON — Umiskor si Anthony Davis ng 55 puntos sa mainit na 22-of-30 shooting na sinahugan ng 17 rebounds sa pagbitbit sa Los Angeles Lakers sa 130-119 panalo laban sa Wizards.

Ang 55 puntos na kinamada ni Davis, naglista ng 44 sa huling laro kontra sa Milwaukee ang naglapit sa kanyang career-high na 59  na iniskor nito laban sa Detroit noong 2016.

 Sumuporta si LeBron James na may 29 puntos para sa Lakers na nasa kanilang ikaapat na sunod na panalo sa road games matapos ang 2-10 simula.

Napilayan ng husto ang Wizards nang ang kanilang leading scorer na si Bradley Beal ay nagtamo ng injury may 8:31 minuto sa first quarter.

Si Davis ang unang player ng Lakers na kumana ng back-to-back 40-point games matapos ang yumaong si Kobe Bryant noong 2013.

Sa iba pang resulta, tinalo ng Phoenix Suns ang San Antonio Spurs, 133-95 sa likod ng 25 puntos at 10 rebounds ni Deandre Ayton.

Nag-ambag sina Devin Booker at Mikal Bridges ng tig-20 puntos at ihatid ang Suns sa ikapitong panalo matapos ang walong laro.

Sa Detroit, bumida si Ja Morant sa 122-112 paghiya ng Memphis Grizzlies sa Pistons.

Sa Sacramento, natunaw ang 41-point performance ni Zach LaVine nang yumukod ang Chicago Bulls sa Kings, 110-101.

Pinangunahan ni Malik Monk ang Kings sa kanyang 20 puntos.

NBA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with