^

PSN Palaro

Caracut Cignal Play-PBAPC PoW

Nilda Moreno - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isa sa bumida para isampa ang Rain or Shine sa quarterfinals ng PBA Commissioner’s Cup ay si Andrei Caracut.

Nalusutan ng Elasto Painter ang knockout playoff para sa No. 8 spot nang talunin nila ang NLEX Road Warrior, 110-100 noong Linggo sa Philsports Arena.

Ito’y dahil sa mala­king ambag ni Caracut na nagtala ng career-high 19 points, pitong rebounds at tatlong assists sa loob ng 25 minutong paglalaro sa Rairn or Shine.

Kaya naman nahirang ang dating pambato ng La Salle, na si Caracut bilang Cignal Play-PBA Press Corps Player of the Week.

Uminit ang opensa ni Caracut sa payoff period kung saan pinangunahan nito ang 14-2 run ng Rain or Shine upang hawakan ang 12-point lead, 101-89.

Naungusan ni Caracut sa nasabing weekly honor sina Ian Sangalang ng Magnolia at Barangay Ginebra guard LA Tenorio.

Nakapagtala ang combo guard ng averaged 12.5 points, 4.5 rebounds at 3.0 assists sa dalawang laro sapat para akbayan ang Elasto Painters sa playoffs.

PBA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with