^

PSN Palaro

'Pisil-pwet' tactics ng Letran player vs CSB kinastigo sa NCAA game

James Relativo - Philstar.com
'Pisil-pwet' tactics ng Letran player vs CSB kinastigo sa NCAA game
Makikitang pinaghahawakan ng Colegio de San Juan de Letran basketball player na si Pao Javillonar ang maseselang bahagi ng katawan ng nakatapat na manlalarong si Will Gozum ng College of Saint Benilde, Linggo, bagay na naging kontrobersyal nitong weekend
Video grab mula sa GMA Sports PH

MANILA, Philippines — Umani ng batikos ang kondukta ng isang manlalaro ng Colegio de San Juan de Letran sa katatapos lang na Game 1 ng NCAA Season 98 men's basketball finals — ibang laro kasi ang pinagkaabalahan niya sa court.

Hinimas-himas, kinapa-kapa at pinaglalapirot kasi ni Letran player Pao Javillonar, Linggo, ang maseselang bahagi ng katawan ni Will Gozum ng College of Saint Benilde bandang 4:57 mark ng 3rd quarter, bagay na hindi lumusot sa paningin ng referee. Umani ito ng warning.

"Ganun 'yung ugali niya siguro. We don't tolerate that kind of player... Siguro physicality matatanggap ko pero 'yung ganoon?" wika ni Gozum kahapon.

"Kahit sino namang player, madidismaya sa ganoon but okay lang, tanggap ko naman. Kung ganoon siya, so be it."

Saktong nangyari ang insidente sa pagkakapasok ng CSB sa finals, ang unang beses na mangyari ito sa loob ng 20 taon. Isa si Gozum sa mga napipisil na makasungkit ng Season 98 MVP award.

Halos isang buwan pa lang nang masangkot sa gusot ang Benilde matapos silang pagsusugurin ng suntok ni John Amores ng Jose Rizal University, na permanente nang sinipa sa naturang basketball team matapos magdulot at ireklamo ng "multiple physical injuries."

'Sexual harassment' sa telebisyon?

Binanatan naman ng netizens ang pinaggagagagawa ni Javillonar bilang "sexual harassment," isang krimeng pinarurusahan sa ilalim ng Republic Act 7877

Tinutukoy naman sa Article 336 ng Revised Penal Code ang acts of lasciviousness, na sumasaklaw naman sa sadyang panghihipo sa mga maseselang bahagi ng katawan. May parusang kulong ang paglabag sa RA 7877 at Article 336 ng RPC.

"Ganun 'yung character niya. Ganun yata siya pinalaki. I don't know," dagdag pa ni Gozum.

Tinalo ng Letran Knights ang Benilde Blazers sa game 1 kahapon sa puntos na 81-75. Kasalukuyang defending champions ang Letran, na siyang umaasam ng three-peat.

BASKETBALL

COLEGIO DE SAN JUAN DE LETRAN

COLLEGE OF SAINT BENILDE

NCAA

SEXUAL HARASSMENT

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with