^

PSN Palaro

Rain or Shine pasok sa quarters

Nilda Moreno - Pilipino Star Ngayon
Rain or Shine pasok sa quarters
Swak sa quarterfinals ang Elasto Painters matapos masilo ang pinag-aagawan na No. 8 spot at makakaharap nila ang No. 1 seed, Bay Area Dragons na may hawak na twice-to-beat advantage.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Humugot ng lakas ang Rain or Shine Elasto Pain­ters kay Ryan Pearson upang kalusin ang NLEX Road Warriors, 110-100 sa knockout playoff ng PBA Commissioner’s Cup na nilaro sa PhilSports Arena sa Pasig City, kagabi.

Swak sa quarterfinals ang Elasto Painters matapos masilo ang pinag-aagawan na No. 8 spot at makakaharap nila ang No. 1 seed, Bay Area Dragons na may hawak na twice-to-beat advantage.

Umarangkada si Pearson ng 24 points, siyam na rebounds at tatlong assists habang bumakas si Andrei Caracut ng 19 markers at boards para sa RoS na may pag-asa pa sa inaasam na korona.

Ipinaramdam ng Elasto Painters ang kanilang lakas sa unang dalawang periods matapos hawakan ang nine-point lead, 51-43 sa halftime.

Nanatili ang lamang ng RoS sa pagtatapos ng third canto, 80-75 at nagtuloy ang mainit nilang opensa sa payoff period upang sumampa sa susunod na phase.

Nangalabaw si import Earl Clark ng 37 points, 16 rebounds at limang assists pero hindi sapat para akayin ang Road Warriors sa panalo.

Parehong may tig 5-7 karta ang Rain or Shine at NLEX sa pagtatapos ng single-round-robin eliminations kaya nagkaroon sila ng playoff.

NLEX

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with