^

PSN Palaro

Walang ‘cheating’ na nangyari- Pacquiao

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Naniniwala si eight-division world champion Manny Pacquiao na nanalo ito kontra kay Australian fighter Nedal Hussein nang patas sa kanilang bakbakan may dalawang dekada na ang nakalilipas.

Binasag ni Pacquiao ang katahimikan nito sa mga isiniwalat ni retire referee Carlos Padilla kung saan sinabi nitong tinulungan niyang manalo ang Pinoy champion laban sa Australian pug.

Ikinuwento ni Padilla sa isang interview na binagalan nito ang mandatory count nang mapatumba si Pacquiao dahil sa tinamo nitong malakas na suntok mula kay Hussein.

Ngunit itinanggi ni Pacquiao ang paratang.

Sa katunayan, muli nitong pinanood ang laban.

“Nu’ng nalaman ko ‘yung sinabi ng referee na si Carlos Padilla, nagulat ako. 22 years ago na eh. Kaya ni-review ko ulit ‘yung fight,” ani Pacquiao sa panayam ni Jessica Soho sa popular na programang Kapuso mo, Jessica Soho.

Iginiit ni Pacquiao na agad itong nakatayo nang binilangan ito ni Padilla.

Inalok din niya ang mga fans na -ireview ang laban para makita ang totoong nangyari.

“Ang rason niya, binagalan daw niya ‘yung pag-count. Sa akin, parang hindi naman mabagal. Sakto lang sa clock. Nu’ng pag-count niya ng 6, tumayo na ako,” ani Pacquiao.

Nilinaw ni Pacquiao na walang dayaang naganap dahil naipanalo nito ang laban nang malinis at walang bahid ng anumang kontrobersiya.

MANNY PACQUIAO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with