^

PSN Palaro

Wiggins, Curry nag-paulan ng tres sa Rockets

Pilipino Star Ngayon

SAN FRANCISCO, Philippines — Umiskor si Andrew Wiggins ng season-best na 36 puntos para itabla ang kanyang career high na may walong 3-pointers sa pagbitbit nito sa Golden Sta­te  Warriors  sa 120-101 panalo laban sa Houston Rockets.

Nagpasiklab din si Stephen Curry na tumapos ng 30 puntos tampok ang walong triples bukod pa ang 10 assists.

Sumakay ang Warriors sa 22-4 lead, na gumawa ng kanilang unang pitong basket,  bago muling pina­laki ang kanilang bentahe sa 39-23 sa pagtatapos ng first quarter.

Isinalpak ni Wiggins ang magkasunod na 3s sa kalagitnaan ng third quarter para ihatid ang Warriors sa ika-10 sunod na panalo sa kanilang balwarte.

Ang Golden State ay naging pangalawang koponan sa kasaysayan ng NBA na gumawa ng 20 3-pointers sa apat sa limang laro.

Sa Los Angeles, pinataob ng Dallas Mavericks ang New York Knicks, 121-100.

Sa Salt Lake City, umiskor si Anfernee Simons ng career-high 45 puntos upang pangunahan ang Portlnd Trail Blazers sa 116-111 panalo laban sa Utah Jazz.

ANDREW WIGGINS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with