^

PSN Palaro

E-Painters vs Road Warriors para sa No. 8 berth

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isa lang sa NLEX at Rain or Shine ang makaka­pasok sa quarterfinal round ng 2022 PBA Commissio­ner’s Cup.

At tiyak na walang magbibigayan sa dalawa.

Pag-aagawan ng Road Warriors at Elasto Painters ang No. 8 seat sa isang playoff match ngayong alas-6:30 ng gabi sa Philsports Arena sa Pasig City.

Ang mananaig sa dala­wa ang maghahamon sa No. 1 Bay Area Dragons na may hawak na ‘twice-to-beat’ advantage sa quarterfinals.

Iniwan ni coach Yeng Guiao ang NLEX bago mag­simula ang torneo para bumalik sa bakuran ng Rain or Shine.

Si Frankie Lim ang pu­ma­lit kay Guiao.

Nauna nang tinalo ng Road Warriors, ginabayan ni assistant coach Adonis Tierra, ang Elasto Painters, 96-90, sa eliminasyon.

“They’re playing well, at least better now,” sabi ni Guiao sa NLEX na nasa two-game winning streak.

“Maybe they’re getting their rhythm and getting used to a new system. So it’s going to be a big challenge,” dagdag pa nito.

Nakalasap naman ang Rain or Shine ng 90-106 ka­­biguan sa No. 2 Magnolia noong Biyernes.

NLEX

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with