^

PSN Palaro

Archers-Falcons playoff para sa huling F4 spot

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Mag-uunahan ang De La Salle University at Adamson University sa pagdakma sa huling Final Four spot ng UAAP Season 85 men’s basketball tournament.

Ngayong alas-6 ng gabi ang bakbakan ng Green Ar­chers at Soaring Falcons sa MO Arena sa Pasay City.

Makakatapat ng mananalo sa dalawang koponan ang No. 1 Ateneo Blue Eagles na may dalang ‘twice-to-beat’ advantage sa Final Four.

Nagtapos sa magkatulad na 5-7 baraha ang La Salle at Adamson na nagresulta sa kanilang playoff.

Naitakda ang ‘do-or-die’ game nang matalo ang Soa­ring Falcons sa Blue Eagles, 61-66, at manalo ang Green Archers sa UST Growling Tigers, 77-72, sa pagtatapos ng eliminasyon.

UAAP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with