^

PSN Palaro

Davis iginiya ang Lakers sa panalo sa Bucks

Pilipino Star Ngayon
Davis iginiya ang Lakers sa panalo sa Bucks
Ang two-handed slam dunk ni Anthony Davis mula sa pasa ni LeBron James sa panalo ng Los Angeles Lakers laban sa Milwaukee Bucks.
STAR/ File

MILWAUKEE, Philippines — Kuma­mada si Anthony Davis ng season-high na 44 points, habang nilampasan ni Le­­Bron James si legend Ma­gic Johnson sa NBA ca­reer assists list sa 133-129 panalo ng Los Angeles Lakers sa Bucks.

Tumapos si James na may 28 points, 11 assists at 8 rebounds para sa 9-12 kartada ng Lakers.

Itinaas niya ang kanyang career assist total sa 10,144 para upuan ang sixth place at ungusan si Johnson (10,133).

Nagposte naman si Giannis Antetokounmpo ng 40 points, 7 rebounds at 5 assists para sa Bucks (15-6) na isinalang si Khris Middleton matapos ang wrist surgery.

Naimintis ng Milwaukee ang dalawang potensyal na panabla sanang triples sa hu­ling 20 segundo ng laro mula kina Grayson Allen at Jrue Holiday.

Sa San Francisco, tumi­pa si Jordan Poole ng 30 points sa 119-111 panana­ig ng nag­dedepensang Gol­den State Warriors (12-11) sa Chi­cago Bulls (9-13).

Sa Cleveland, umiskor si Donovan Mitchell ng 34 points sa 107-96 pagdaig ng Cavaliers (15-8) sa Orlando Magic (5-18).

Sa New York, humataw si Kyrie Irving ng 27 points sa 114-105 tagumpay ng Brooklyn Nets (13-11) sa Toronto Raptors (11-11).

Sa Boston, kumabig si Bam Adebayo ng 28 points sa 120-116 overtime win ng Miami Heat (11-12) sa Celtics (18-5)

ANTHONY DAVIS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with