^

PSN Palaro

PNVF kumuha ng Brazilian coach para sa beach volleyball

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
PNVF kumuha ng Brazilian coach para sa beach volleyball
Si Brazilian coach Joao Luciano Kiodai ang hahawak sa national beach volleyball teams
STAR/ File

MANILA, Philippines — Inihayag kahapon ng Philippine National Volleyball Federation (PNVF) ang pagdaragdag kay Brazilian coach Joao Luciano Kiodai sa kanilang national team program.

Si Kiodai ang hahawak sa dalawang beach voll­ey­ball squads, ayon kay PNVF president Ramon “Tats” Suzara.

Dumating sa bansa si Kiodai noong Martes at ka­agad dumiretso sa Subic Bay Metropolitan Authority para simulan ang pama­ma­hala sa national beach volleyball squads bilang paghahanda sa Volleyball World Beach Pro Tour Futures sa Disyembre 8-11 sa Subic Bay Sand Court.

“Coach Joao’s arrival is a big boost to the national beach volleyball in as much the same way as Coach Jor­ge is to the volleyball teams,” ani Suzara.

Ang 43-anyos na si Kio­dai ang ikalawang Brazilian sa PNVF national team program.

Si Jorge Edson Souza de Brito ang gumagabay sa women’s volleyball program simula noong Hulyo ng 2021.

Halos 10 taon naglaro si Kiodai bilang isang beach volleyball pro at nag-coach ng 15 taon kasama ang paghawak sa mga na­tional teams ng Iran at Azerbaijan.

Kabilang sa mga nahawakang players ni Kiodai ay sina three-time Olympic champion Kelly Walsh Jennings at Brooke Sweat.

Samantala, duma­ting naman sa bansa ang ko­po­nan ng Singapore para sa exhibition matches kontra sa mga Philippine teams bukas sa Subic Bay Sand Courts.

PNVF

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with