^

PSN Palaro

Hotshots inupuan ang No. 2 seat

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Hotshots inupuan ang No. 2 seat
Pinuwersa ni Ian Sangalang ng Magnolia si Jewel Ponferada ng Rain or Shine.

MANILA, Philippines — Ibinulsa ng Magnolia ang No. 2 ticket kasama ang ‘twice-to-beat’ incentive sa quarterfinals at itinakda ang playoff ng Rain or Shine at NLEX para sa No. 8 spot.

Humakot si import Nick Rakocevic ng 21 points at 11 rebounds para igiya ang Hotshots sa 106-90 paggupo sa Elasto Painters sa 2022 PBA Commissioner’s Cup kahapon sa Philsports Arena sa Pasig City.

“Sayang iyong confe­rence namin kung pababayaan namin itong game na ito,” sabi ni Ian Sangalang na naglista ng 16 markers at 7 boards.

Bumangon ang Magnolia (9-3) mula sa 10-point deficit sa second period para kunin ang No. 2 berth sa quarters katapat ang No. 7 Phoenix (6-6) habang sasagupain ng No. 1 Bay Area (10-2) ang uupo sa No. 8 na paglalabanan ng Rain or Shine (5-7) at NLEX (5-7) sa isang playoff.

Bitbit ng Dragons at Hotshots ang ‘twice-to-beat’ advantage kontra sa No. 8 at No. 7 teams, ayon sa pagkakasunod.

Samantala, inilusot ng San Miguel (7-5) ang 113-108 panalo sa sibak nang Meralco (4-8) matapos isuko ang 25-point lead para ilista ang ikaapat na dikit na arangkada.

Kumolekta si import Devon Scott ng 32 points at 13 rebounds at may 12 markers si Terrence Romeo kasama ang dalawang triples para sa kanyang season debut.

“I think we showed a lot of focus down the stretch even though we let the lead go down,” sabi ni Scott.

Haharapin ng No. 5 SMB ang No. 4 Converge sa best-of-three quarterfinals series.

Nag-ambag si Marcio Lassiter ng 13 points at may tig-10 markers sina CJ Perez at Jericho Cruz para sa Beermen na kinuha ang 25-point lead bago nakalapit ang Bolts sa 106-111 sa huling 10.4 segundo.

Tumipa si import KJ McDaniels ng 27 points, 8 boards, 4 assists, 2 steals at 3 blocks at may 21 mar­kers si Aaron Black para sa Meralco.

PBA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with