^

PSN Palaro

Anak ni Padilla humingi ng pang-unawa; WBC magsasagawa ng imbestigasyon

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Anak ni Padilla humingi ng pang-unawa; WBC magsasagawa ng imbestigasyon

MANILA, Philippines — Mag-iimbestiga ang World Boxing Council (WBC) sa isiniwalat ni dating referee Carlos Padilla sa pagtulong nitong maipanalo ni eight-division world champion Manny Pacquiao ang isa sa mga laban nito.

Sa isang panayam, inamin ni Padilla na tinulungan nito si Pacquiao sa isang pro fight nito kontra kay Australian Nedal Hussein noong Oktubre ng taong 2000 sa Ynares Sports Center sa Antipolo City.

Sa kuwento ni Padilla, tinamaan si Pacquiao ng isang solidong suntok ni Hussein.

Binigyan ni Padilla ng mahabang mandatory 10-count si Pacquiao para makarekober ito at maipagpatuloy ang laban.

Naitala ni Pacquiao ang 10th round technical knock­out para mapanatili an WBC bantamweight crown.

Tumanggi munang idetalye ni WBC president Mauricio Sulaiman ang gagawing imbestigasyon.

“The WBC will not make any further public comments,” ani Sulaiman.

Humingi naman ng pang-unawa ang anak ni Padilla na si Suzy Padilla-Tuano.

“Communication can be misconstrued and well intentioned words can be misinterpreted. The pre­sent situation is one such glaring example of what might have actually been said and what may have been taken out of context,” ani Padilla-Tuano.

Naniniwala ito sa integ­ridad ng kanyang ama na ilang dekada ring na­ging referee sa mundo ng boksing.

“He dedicated his life to boxing and boxers, and cared for them and their well-being, regardless of nationality or circumstance,” ani Padilla-Tuano. 

MANNY PACQUIAO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with