^

PSN Palaro

Gazz Angels lumapit sa korona

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Gazz Angels lumapit sa korona
Dumepensa si Petro Gazz import Lindsey Vander Weide laban sa atake ng Cignal.
Jun Mendoza

MANILA, Philippines — Kinailangan ng defen­ding champion Petro Gazz ng malakas na puwersa sa huling sandali ng laro para itakas ang 25-21, 27-25, 37-35 panalo laban sa Cignal at makadikit sa kampeonato sa PVL Reinforced Conference sa Smart Araneta Coliseum.

Halimaw si import Lindsey Vander Weide na buma­nat ng 34 puntos, walong digs at limang receptions para manduhan ang Gazz Angels sa pagsikwat ng 1-0 bentahe sa best-of-three championship series.

Nagdagdag naman sina Aiza Maizo-Pontillas at Myla Pablo ng tig-10 puntos habang umiskor si MJ Phillips ng walong hits para tulu­ngan ang Gazz Angels.

Tanging si outside hitter Tai Bierria lamang ang nagtala ng double digits para sa HD Spikers matapos umani ng 18 puntos.

Pakay ng Gazz Angels na maipormalisa ang pagkopo sa kampeonato sa pagsambulat ng Game 2 sa Martes sa Philsports Arena sa Pasig City.

Sa unang laro, hindi ininda ng Creamline ang pagkawala ni import Yeliz Basa para pataubin nito ang Chery Tiggo, 25-22, 22-25, 25-5, 25-19, upang makalapit sa bronze medal.

Hindi nakapaglaro si Basa dahil sa injury.

Ngunit hindi ito naging problema para sa Cool Smashers dahil solido ang local players nito partikular na si two-time MVP Tots Carlos na humataw ng 19 puntos.

Naglista pa si team captain Alyssa Valdez ng 16 puntos habang gumawa naman si middle blocker Pangs Panaga ng 14 hits gayundin si Michele Gu­mabao na naglista ng 11 markers.

“Masaya kami, naka-recover kami na hindi kami nakalaro sa finals. Siguro yung break napunta sa amin kasi medyo gumanda yung blocking at serve namin sa set 3,” ani Cool Smashers head coach Sherwin Meneses.

vuukle comment

PVL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with