^

PSN Palaro

Sports media ka-tandem ng PSC sa kanilang mga programa

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Sports media ka-tandem ng PSC sa kanilang mga programa
TOPS OFFICERS--Nanumpa kay PSC chairman Noli Eala ang bagong pamunuan ng Tabloid Organization in Philippine Sports Inc. (TOPS) sa pangu­nguna nina president Beth Repizo-Meraña (PSNgayon/PM Pang Masa), vice president Rico Navarro (Remate/Remate-Online), secretary Edwin Rollon (Metropoler), treasurer Nympha Miano-Ang (Bulgar) at ang mga board of directors na sina Ferdz De Los Santos (Abante), Danilo Simon (Gilas/Agila ng Bayan), Dennis Eroa (Sportsbite), Jeff Venancio (Police Files Tonite) at Ethel Genuino (Saksi).

MANILA, Philippines — Itinuturing ni Philippine Sports Commission (PSC) chairman Noli Eala ang sports media bilang partner para sa pagpapalawig ng kanilang mga programa sa buong bansa.

Ito ang sinabi kahapon ni Eala matapos pangunahan ang oath-taking ceremony ng mga bagong halal na opisyales ng Tabloids Organization in Philippine Sports, Inc. (TOPS) sa PSC Conference Room.

“Kinikilala ng pamahalaan at ng PSC ang samahan ng mga sportswriters bilang partner sa pagsulong ng mga programa para sa kabataang Pilipino at sa mga elite athletes na patuloy na nagbibigay ng karangalan at dangal sa ating bayan,” ani Eala.

Sinabi pa ni Eala, dating PBA Commissioner at na­ging PBA analyst, na mahalaga ang papel ng sports media dahil nabibigyan nito ng kahalagahan ang ginagawa ng pamahalaan para sa atleta gayundin ang pagtataguyod sa mga tagumpay ng atleta na siyang nagiging inspirasyon ng mga kabataan para magsikap at matularan ang nagawa ng kanilang mga idolo.

Kumpiyansa si Eala na walang magiging sagabal sa produktibong ugnayan ng PSC at ng TOPS.

Nagpasalamat din ang PSC chief sa TOPS sa pag­lalaan ng panahon upang mabigyan ng ma­ayos na media coverage ang ka­nilang mga programa kabilang ang katatapos na PSC Women’s Martial Arts na pinangasiwaan ni Commissioner Bong Coo.

Sa darating na Disyembre 17-22 ay isasagawa ng PSC ang Batang Pinoy sa Vigan City.

Maigting na rin ang paghahanda ng mga atleta para sa lalahukang 32nd SEA Games, 19th Asian Games at 6th Asian Indoor Games sa 2023.

vuukle comment

PSC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with