^

PSN Palaro

Reyes posibleng tumutok muna sa Gilas

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Magiging abala si Gilas Pilipinas head coach Chot Reyes sa susunod na taon lalo pa’t maghahanda ang Gilas para sa kampanya nito sa prestihiyosong FIBA World Cup na idaraos sa bansa sa Agosto.

Kaya naman ngayon pa lang, pinag-aaralan na ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) kung paano hahatiin ni Reyes ang atensiyon nito.

Maliban sa Gilas Pilipinas coaching, si Reyes din ang head coach ng Talk ’N Text Tropang Giga sa Philippine Basketball Association (PBA).

Bigo ang Tropang Giga na makapasok sa playoffs sa ginaganap na PBA Commissioner’s Cup.

Ito ang unang pagkakataon sa loob ng mahigit dalawang dekada na hindi maglalaro ang prangkisa sa quarterfinals.

Kaya naman nais ng SBP na gumawa ng paraan kung paano masosolusyunan ang malaking trabahong nakaabang kay Reyes.

Matapos ang Commissioner’s Cup, idaraos naman ang Governors’ Cup.

Posibleng pahawakin muna si Reyes sa isang coaching job — sa Gilas Pilipinas o sa Tropang Giga para maisentro nito ang kanyang atensiyon sa iisang tungkulin.

“That’s something we need to address. It’s unfair to him, the national team, and even TNT. I’m the pre­sident of that company. It’s something that we should address but we must first talk to the governor of TNT and chairman of the PBA Ricky Vargas. I’ll also have a consultation with MVP on how to move forward,” ani SBP president Al Panlilio.

Posibleng magkaroon muna ng interim coach ang Tropang Giga habang nasa Gilas si Reyes.

At sa oras na matapos na ang FIBA World Cup, inaasahang agad na babalik si Reyes sa kampo ng Tropang Giga.

vuukle comment

CHOT REYES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with