^

PSN Palaro

Gazz Angels-HD Spikers title duel sasambulat!

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Gazz Angels-HD Spikers title duel sasambulat!
Asahan ang matinding paluan sa pagitan nina American reinforcement Tai Bierria (Itaas na larawan) ng Cignal.
Russell Palma

MANILA, Philippines — Asahan ang matin­ding bakbakan sa pagitan ng Petro Gazz at Cignal HD Game 1 ng Premier Volleyball League (PVL) Reinforced Conference best-of-three championship series ngayong araw sa Smart Araneta Coliseum.

Nakatakda ang salpukan ng Gazz Angels at HD Spikers sa alas-5:30 ng hapon habang maghaharap naman ang Creamline at Chery Tiggo sa battle-for-third sa alas-2:30.

Gitgitan ang naging labanan sa round-robin semifinals kung saan may magkakatulad na 2-1 rekord ang Gazz Angels, HD Spi­kers at Cool Smashers.

Subalit napasakamay ng Petro Gazz at Cignal ang dalawang tiket sa finals dahil sa mas mataas na quotient points dahilan para malaglag ang Creamline sa No. 3 spot.

Tututok na ang atensiyon ng Gazz Angels at HD Spikers sa finals.

“It’s a tear-jerker (us getting to the finals). Our chances to make the Finals were out of our control (after losing a set to Cignal). We just really prayed because that’s all that we can do,” ani Petro Gazz coach Rald Ricafort.

Handa ang Cignal na gawin ang lahat upang makuha ang kampeonato sa taong ito matapos ma­bigo sa kanilang unang mga pagtatangka sa liga.

“We’ll make the most of this final, especially that the chance was given to us this (in a bizarre) way,” ani Ricafort.

Aasahan ng Gazz Angels si import Lindsey Vander Weide na humataw ng 30 puntos sa kanilang huling laro.

Makakatuwang nito sina middle blockers MJ Phillips at Remy Palma kasama sina opposite hitter Aiza Maizo-Pontillas at outside hitter Myla Pablo.

Sa kabilang banda, mangunguna sa panig ng HD Spikers si American reinforcement Tai Bierria ngunit kailangan nito ng solidong suporta mula kina Ces Molina, Roselyn Doria, Riri Meneses at Rachel Anne Daquis.

Aminado naman si Creamline team captain Alyssa Valdez na masakit na mabigong makapasok sa finals.

Subalit handa ang Cool Smashers na ibuhos ang lahat para masiguro ang third-place trophy.

PVL

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with