^

PSN Palaro

Knights, Blazers tutok sa Finals

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Knights, Blazers tutok sa Finals
Members of the St. Benilde team celebrate after sealing their entry to the best-of-three finals.
Jun Mendoza

MANILA, Philippines — Handa na ang red carpet para sa defending champion Colegio de San Juan de Letran at College of Saint Benilde na magtutuos sa best-of-three championship series ng NCAA Season 98 men’s basketball tournament.

Magsisimula ang serye bukas kung saan inaasahang maglalabas na ng malakas na puwersa ang Knights at Blazers para makumpleto ang kanilang misyon sa season na ito.

Masaya si Letran head coach Bonnie Tan na buhay na buhay pa rin ang tangka ng kanilang tropa na masikwat ang three-peat.

“Yung three-peat secondary syempre, nandyan yung bonus pag nanalo, pero kami naman we take our game day-by-day, kung sino lang yung ano. We’re not thinking about yung mga sweep sweep dyan. Basta kami, kung ano yung binigay samin e yun lang,” ani Tan.

Handa na ang buong Knights na sagupain ang Blazers na hawak ang top seeding sa pagtatapos ng eliminasyon.

At naniniwala si Tan na underdogs sila sa finals series.

“Number one team yung CSB so mindset pa din namin is dehado side. Excited din kami makalaban ang CSB sa finals dahil first time nila after a long years na absent sila sa finals,” ani Tan.

Sa kabilang banda, naghahanda na rin ang Blazers sa matinding labang haharapin nito.

Alam ni Benilde head coach Charles Tiu ang pisikalang laro ng Knights at ito ang isa sa tinututukan ng kanilang tropa.

“I think we need to be physical against Letran. Everybody knows they’re a physical team. They are the bullies out here. We’ll just try our best to prepare for the Finals,” ani Tiu.

NCAA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with