^

PSN Palaro

Blue Eagles dinagit ang No. 1 ticket sa Final Four

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Blue Eagles dinagit ang No. 1 ticket sa Final Four
Kai Ballungay
UAAP

MANILA, Philippines — Tinakasan ng Ateneo De Manila University ang Adamson University, 66-61, para angkinin ang No. 1 seeding sa Final Four ng UAAP Season 85 men’s basketball tournament kahapon sa Smart Araneta Coliseum.

Tinapos ng Blue Eagles ang eliminasyon sa 11-3 para agawin ang top spot katapat ang No. 4 sa semifinals at inilaglag ang nagdedepensang UP Fighting Maroons (11-3) sa No. 2.

Tinalo ng Ateneo ang UP, 75-67, noong Sabado para sa win-over-the-other rule.

Kumolekta si forward Kai Ballungay ng 18 points at 14 rebounds para pamunuan ang tropa ni coach Tab Baldwin.

Sasagupain ng Fighting Maroons ang No. 3 NU Bulldogs (9-5) sa semis.

May ‘twice-to-beat’ incentive ang No. 1 at No. 2 teams sa Final Four laban sa No. 4 at No. 3 squads, ayon sa pagkakasunod.

Ang kabiguan naman ng Soaring Falcons (7-7) ang nagtakda sa kanilang playoff ng La Salle Green Archers (7-7) para sa No. 4 berth sa Linggo.

Nauna nang inagaw ng Green Archers ang 77-72 panalo sa talsik nang UST Growling Tigers (1-12) tampok ang 25 points ni scoring guard Evan Nelle.

“Just gotta keep fighting and hopefully good things will happen to us,” wika ni Green Archers’ coach Derrick Pumaren na nakahugot kina Raven Cortez at Mark Nonoy ng 13 at 10 points, ayon sa pagkakasunod.

Pinamunuan ni Royce Mantua ang UST sa kanyang 17 markers kasama ang limang triples at may 16 points, 5 boards at 4 assists si Nic Cabanero.

UAAP

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with