^

PSN Palaro

Gin Kings puwede pa sa No. 2

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Itinagay ng Barangay Ginebra ang kanilang ikalawang sunod na panalo matapos talunin ang Converge, 115-96, sa 2022 PBA Commissioner’s Cup kahapon sa Philsports Arena sa Pasig City.

Kumolekta si import Justin Brownlee ng 25 points, 12 rebounds at 9 assists para sa Gin Kings.

Pinaganda ng Ginebra ang kanilang kartada sa 9-3 para sa third place sa team standings sa ilalim ng guest team na Bay Area Dragons (10-2) at Magnolia Hotshots (9-2).

Makakamit ng Ginebra ang inaasam na No. 2 spot sa quarterfinals kung matatalo ang Magnolia sa Rain or Shine (5-6) bukas.

“It’s out of our control. We’re not gonna worry about it,” sabi ni Gin Kings’ head coach Tim Cone.

May ‘twice-to-beat’ incentive ang No. 1 at No. 2 teams sa quarters kontra sa No. 8 at No. 7 squads, ayon sa pagkakasunod, at maglalaban sa best-of-three series ang No. 3 at No. 6 at No. 4 at No. 5.

Ito ang pangalawang dikit na kamalasan ng FiberXers para sa kanilang 8-4 baraha.

Sa unang laro, humakot si import Earl Clark ng 40 points, 11 rebounds, 2 assists at 2 blocks para banderahan ang NLEX (5-7) sa 91-82 pagsibak sa  Meralco (4-7) at buhayin ang tsansa sa playoff sa No. 8 seat.

Kailangang ipagdasal ng NLEX na matalo ang Rain or Shine (5-6) sa Magnolia Hotshots (9-2) bukas para makapuwersa ng playoff sa huling quarterfinals seat.

Ang pagkakatalsik ng Bolts ang nagresulta sa pagpasok sa quarters ng San Miguel Beermen (6-5), NorthPort Batang Pier (6-6) at Phoenix Fuel Masters (6-6).

PBA COMMISSIONER’S CUP

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with