^

PSN Palaro

Doncic umukit ng triple-double vs Warriors

Pilipino Star Ngayon

DALLAS — Kumolekta si Luka Doncic ng 41 points, 12 assists at 12 rebounds para sa kanyang ika-51 career triple-double sa paggiya sa Mavericks sa 116-113 paglusot sa nagdedepensang Golden State Warriors.

Nagdagdag si Tim Hardaway Jr. ng 22 points tampok ang krusyal na three-pointer sa huling 1:49 minuto ng fourth period para sa pagpigil ng Dallas (10-10) sa kanilang four-game losing skid.

Pinamunuan naman ni Stephen Curry ang Golden State (11-11) sa kanyang 32 points at nag-ambag si Jonathan Ku­minga ng 14 points at 10 rebounds.

Bumangon ang Warriors mula sa 17-point deficit sa first period para makadikit sa Mavericks sa 113-115, ngunit natawagan si Curry ng traveling violation sa huling 10 segundo.

Nagmintis naman si Klay Thompson sa kanyang 3-point attempt para sa Golden State matapos ang split ni Dorian Finney-Smith para sa 116-113 abante ng Dallas.

Sa Detroit, nagposte si Julius Randle ng season-high na 36 points para pamunuan ang New York Knicks (10-11) sa 140-110 paggupo sa Pistons (5-18).

Sa Portland, iniskor ni Norman Powell ang 22 sa kanyang 32 points sa fourth quarter para akayin ang Los Angeles Clippers (13-9) sa 118-112 panalo sa Trail Blazers (11-10).

LUKA DONCIC

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with