^

PSN Palaro

HD spikers, Gazz Angels naiselyo ang PVL Finale

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
HD spikers, Gazz Angels naiselyo ang PVL Finale
Lusot ang kill ni Lindsey Vander Weide ng PetroGazz sa depensa ni Glauding Tronchoso ng Cignal.
Russell Palma

MANILA, Philippines — Naisaayos ng Cignal at Petro Gazz ang pagtutuos sa finals ng PVL Reinforced Conference dahil sa mas mataas na quotient points.

Bigo ang Cignal sa defending champion Petro Gazz, 14-25, 21-25, 27-25, 19-25, sa huling araw ng semifinal round kahapon sa Philsports Arena sa Pasig City.

Sa pagtatapos ng se­mis, parehong may 2-1 rekord ang HD Spikers at Gazz Angels.

Ngunit dahil mas mataas ang quotient points ng Cignal at Petro Gazz, nakuha ng dalawa ang karapatang umusad sa finals.

Nagpasabog ng 30 puntos si American reinforcement Lindsey Vander Weide para pamunuan ang Gazz Angels.

“Cignal is a good team and it’s a good momentum going into the finals,” ani Vander Weide.

Mainit ang Gazz Angels sa attack line nang magpako ito ng 60 hits laban sa 44 kills ng HD Spikers.

Halimaw din sa net ang Petro Gazz na kumana ng 13 blocks kumpara sa apat ng Cignal.

Nagtala naman ng pinagsamang 23 puntos sina MJ Phillips at Aizo Maizo-Pontillas.

Nanguna sa hanay ng HD Spikers si American import  Tai Bierria na may 15 points habang nagdagdag naman ng walong puntos si Riri Meneses at tig-pito sina Ces Molina at Roselyn Doria.

Tuluyan nang naglaho ang tangka ng Creamline na makumpleto ang Grand Slam matapos pagreynahan ang Invitational Conference at All-Filipino Conference.

Pinayuko ng Creamline ang Chery Tiggo, 25-16, 20-25, 14-25, 25-11, 15-9, subalit hindi ito sapat para makuha ang finals spot.

Tinapos din ng Cool Smashers ang semis bitbit ang 2-1 marka ngunit mas mababa ang quotient points nito kumpara sa HD Spikers at Gazz Angels.

Maghaharap sa best-of-three championship series ang Cignal at Petro Gazz na magsisimula bukas habang magtutuos ang Creamline at Chery Tiggo sa battle for third.

PVL

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with