^

PSN Palaro

Ginebra lalapit sa No. 2 ticket

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Ginebra lalapit sa No. 2 ticket
Scottie Thompson
PBA Images

MANILA, Philippines — Ang importanteng panalo ang pakay ng Barangay Ginebra para sa kanilang tsansa sa No. 2 berth na may kasamang ‘twice-to-beat’ incentive sa quarterfinal round ng 2022 PBA Commissioner’s Cup.

Lalabanan ng Gin Kings ang Converge FiberXers ngayong alas-5:45 ng hapon matapos ang laro ng Meralco Bolts at NLEX Road Warriors sa alas-3 ng hapon sa Philsports Arena sa Pasig City.

Para makamit ang No. 2 ticket ay kailangang talunin ng Ginebra ang Converge at ipanalangin na matalo ang Magnolia sa Rain or Shine sa Biyernes.

“We want to control the things that we have control and that’s the process of the day-to-day, getting better,” ani Gin Kings’ coach Tim Cone sa agawan nila ng Hotshots sa second spot.

May 10-2 baraha ang guest team na Bay Area kasunod ang Magnolia (9-2), Converge (8-3), Ginebra (8-3), San Miguel (6-5), NorthPort (6-6), Phoenix (6-6), Rain or Shine (5-6), Meralco (4-6), NLEX (4-7) at mga sibak nang TNT Tropang Giga (4-8), Blackwater (3-9) at Terrafirma (1-11).

Kung magtatapos sa parehong 9-3 record ang Gin Kings at Hotshots ay makukuha ng Ginebra ang No. 2 berth dahil sa win-over-the-other rule mula kanilang 103-97 panalo sa Magnolia sa Manila Clasico noong Oktubre 23.

Sa unang laro, sisilip din ng tsansa sa quarters ang Bolts sa pagharap sa Road Warriors.

Nakalasap ang Meralco ng 96-108 pagkatalo sa Hotshots habang inilusot ng NLEX ang 120-117 overtime win laban sa Ginebra na pumigil sa kanilang five-game losing skid.  

PBA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with