^

PSN Palaro

Jazz dapa sa Bulls

Pilipino Star Ngayon
Jazz dapa sa Bulls
Ayaw palusutin ni Fil-Am guard Jordan Clarkson ng Jazz si DeMar DeRozan ng Bulls.

SALT LAKE CITY — Nagsalpak si DeMar DeRozan ng 26 points para pangunahan ang Chicago Bulls sa 114-107 pagpapabagsak sa Utah Jazz.

Kumolekta si Zach LaVine ng 20 points, 6 rebounds at 5 assists para sa 9-11 kartada ng Bulls na nakahugot kay Nikola Vucevic ng 16 points at 10 rebounds.

Umiskor naman si Lauri Markkanen ng 32 points para sa 12-11 marka ng Jazz na nakakuha kina Kelly Olynyk at Collin Sexton ng 23 at 17 markers, ayon sa pagkakasunod.

Inihulog ng Chicago ang Utah sa kanilang pang-limang sunod na talo.

Isang 10-0 atake ang pinamunuan ni DeRozan para ibigay sa Bulls ang 78-73 abante sa third period bago tuluyang iwanan ang Jazz sa 94-82 sa pagsisimula ng fourth quarter.

Sa Denver, humakot si Nikola Jokic ng 32 points at 12 rebounds at nag-ambag si Jamal Murray ng season-high na 31 markers sa 129-113 dominasyon ng Nuggets (13-7) sa Houston Rockets (5-15).

Sa Boston, kumamada si Jayson Tatum ng 35 markers sa 140-105 paggupo ng Celtics (17-4) sa Charlotte Hornets (6-15).

Sa Washington, tumipa si Kristaps Porzingis ng career-high na 41 points sa 142-127 panalo ng Wi­zards (11-10) sa Minnesota Timberwolves (10-11).

NBA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with