^

PSN Palaro

Blazers sasagupa sa Knights sa NCAA Finals

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Blazers sasagupa sa Knights sa NCAA Finals

MANILA, Philippines — Itinakda ng College of St. Benilde at Letran ang kanilang best-of-three titular showdow nang manaig sa kani-kanilang kalaban sa NCAA Season 98 men’s basketball tournament kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Nalusutan ng Blazers ang San Beda University Red Lions sa pa­mamagitan ng 62-61 panalo habang sinibak ng Knights ang Lyceum Pirates, 67-58.

Lalaruin ang finals∂ series sa Disyembre 4. 

Nagsanib-puwersa sina Migz Oczon at James Pasturan para tulungan ang Blazers na makabalik sa finals matapos ang da­lawang dekadang paghihintay.

Nagtala si Oczon ng 17 puntos, anim na rebounds at tig-iisang assist, steal at block habang kumana naman si Pasturan ng 16 markers, apat na boards at dalawang assists.

Naramdaman din ang presensiya ni MVP candidate Will Gozum na may double-double showing na 10 puntos at 11 boards samantalang nagdagdag sina Rob Nayve at Miguel Corteza ng pinagsamang 15 markers.

“I’m just so thankful right now. We had some luck down the stretch but I guess that’s basketball. San Beda played a great game, so much respect for Coach Yuri (Escueta) and the guys out there. That was a tough, tough game and they prepared so well,” ani Benilde head coach Charles Tiu.

Ito ang unang finals appearance ng Blazers sapul noong 2002 kung saan umabante ang Taft-based squad sa finals sa pangu­nguna ni Sunday Salvacion.

Subalit nabigo ang Benilde na makuha ang kampeonato sa naturang taon matapos matalo sa San Sebastian College-Recoletos sa finals.

Nanguna para sa Red Lions si Jacob Cortez na umani ng 13 puntos habang nagtala naman si James Kwekuteye ng 11 puntos at siyam na rebounds.

NCAA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with