^

PSN Palaro

Knicks tumukod sa Grizzlies

Pilipino Star Ngayon
Knicks tumukod sa Grizzlies
Pinanood na lang ni Jalen Brunson ng Knicks ang slam dunk ni Ja Morant ng Grizzlies.

NEW YORK— Nagtumpok si Ja Morant ng triple-double na 27 points, 14 assists at 10 rebounds para pamunuan ang 127-123 pagtakas ng Memphis Grizzlies sa Knicks.

Nag-ambag si Dillon Brooks ng 23 points kasunod ang 21 markers ni Jaren Jackson Jr. para sa 12-8 record ng Memphis na naisuko ang 12-point lead sa fourth quarter ngunit nakabawi para sa kanilang back-to-back wins.

Tumapos si Jalen Brunson na may 30 points at may 22 markers si RJ Barrett para sa ikalawang dikit na kabiguan ng New York (9-11).

Ibinigay ni Brunson sa Knicks ang 123-122 abante sa huling 26 segundo kasunod ang tirada ni Morant para itaas ang Grizzlies sa 124-123 sa natitirang 13.9 segundo.

Naimintis ni Brunson ang kanyang pull up jum­per para sa New York na nagresulta sa free throw ni Morant sa huling 7.1 segundo para sa 125-123 abante ng Memphis.

Sa Atlanta, kumamada si Bam Adebayo ng 32 points sa 106-98 panalo ng Miami Heat (10-11) sa Hawks (11-9).

Sa Milwaukee, nagposte si Giannis Anteto­kounmpo ng 30 points at may season-high na 25 markers si Grayson Allen sa 124-115 pagbugbog ng Bucks (14-5) sa Dallas Mavericks (9-10).

Sa Minneapolis, tumipa si Stephen Curry ng 25 points, 11 rebounds at 8 assists sa 137-114 demolis-yon ng nagdedepensang Golden State Warriors (11-10) sa Minnesota Timberwolves (10-10).

NBA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with