^

PSN Palaro

LeBron ‘di napigilan ng Spurs

Pilipino Star Ngayon

SAN ANTONIO - Humakot si LeBron James ng season-high 39 points bukod sa 11 rebounds para pangunahan ang Los Angeles Lakers sa 143-138 pagpapatumba sa Spurs.

Dinuplika ni James ang kanyang career high na pitong three-pointers at tumapos na may 11-for-21 field goal shooting kasama ang isang one-handed dunk mula sa lob pass ni Russell Westbrook sa hu­ling minuto ng first half.

Hindi naglaro para sa Los Angeles (7-11) si center Anthony Davis dahil sa kanyang bruised left calf.

Pinamunuan ni Keldon Johnson ang San Antonio (6-15) sa kanyang 26 points at may 23 at 19 markers sina Tre Jones at Devin Vassell, ayon sa pagkakasunod.

Sa Houston, umiskor si Fil-Am Jalen Green ng 28 points sa 118-105 paggiba ng Rockets (5-14) sa Oklahoma City Thunder (8-12).

Sa Phoenix, kumolekta si Deandre Ayton ng mga season highs na 29 points at 21 rebounds sa 113-112 pagtakas ng Suns (13-6) sa Utah Jazz (12-10).

Sa Toronto, humugot si O.G. Anunoby ng 12 sa kanyang 26 points sa fourth quarter para pamunuan ang Raptors (10-9) sa 105-100 pagdaig sa Dallas Mavericks (9-9).

SPURS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with