^

PSN Palaro

HD spikers dumikit sa finals slot

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
HD spikers dumikit sa finals slot
Na-blocked nina American import Tai Bierria at Riri Meneses ng Cignal ang kill ni Ced Domingo ng Creamline.
Jun Mendoza

MANILA, Philippines — Ginulantang ng Cignal HD ang Creamline sa pamamagitan ng 23-25, 25-23, 28-26, 25-18 desis­yon upang makalapit sa inaasam na finals spot sa Premier Volleyball League (PVL) Reinforced Confe­rence kahapon sa Smart Araneta Coliseum.

Malakas ang signal ng HD Spikers kung saan binanderahan ni American import Tai Bierria ang matikas na kamada ng kanilang tropa para makuha ang ikalawang sunod na panalo sa round-robin semifinal round.

Nakalikom si Bierria ng 21 puntos mula sa 17 attacks, tatlong blocks at isang aces habang nagtala pa ito ng anim na receptions.

Sumuporta si middle blocker Riri Meneses na naglatag ng 11 hits habang gumawa naman si Angeli Araneta ng 10 markers at pinagsamang 15 mula kina Ces Molina at Roselyn Doria.

“Thankful ako dahil healthy yung team. Yung transition sa elimination to semis mas naging better. Sobrang happy namin dahil kilala naman natin yung Creamline na talagang mahirap sila talunin kung hindi mo sila paghahandaan, hindi ka magpapakundis­yon,” ani HD Spikers head coach Shaq Delos Santos.

Lamang na lamang ang Cool Smashers sa attacks matapos magbaon ng 61 kills laban sa 49 lamang ng HD Spikers.

Subalit nagtala ang Creamline ng 33 errors na lubos na nagpabagsak sa kanila sa labang tumagal ng dalawang oras at walong minuto.

Umabante pa ang HD Spikers sa blocks (12-9) at aces (7-6).

Apat na players ng Cool Smashers ang umiskor ng double digits sa pa­ngunguna ni team captain Alyssa Valdez na kumana ng 20 puntos at 22 digs.

Nagtala naman si import Yeliz Basa ng 17 mar­kers habang may 13 hits at 12 receptions si outside hitter Jema Galanza.

Nakalikom naman sina Ced Domingo at Jeanette Panaga ng pinagsamang 16 puntos habang nawalan ng saysay ang 22 excellent sets ni playmaker Jia Morado.

Bagsak ang Cool Sma­shers sa 1-1 rekord.

“Grabe yung respect namin sa kanila (Creamline) even the other teams (Chery Tiggo and Petro Gazz). Malaking panalo ito para sa amin na tinalo namin sila (Creamline) sa semis and magandang opportunity ito para mas maging better pa kami,” ani Delos Santos.

CIGNAL

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with