^

PSN Palaro

Cabana sumisid ng ginto sa UAAP

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Cabana sumisid ng ginto sa UAAP
Yohan Mikhail Cabana
Chris Co

MANILA, Philippines — Ayaw paawat ng Joan Mojdeh-Philippines BEST (Behrouz Elite Swimming Team) matapos muling magpasiklab sa ikatlong araw ng UAAP Season 85 swimming Competition sa Rizal Memorial Swimming Pool sa Vito Cruz, Manila.

Umarangkada naman sa pagkakataong ito si Yohan Mikhail Cabana na pambato ng University of Santo To­­mas kung saan pinagharian nito ang boys’ 400m Individual Medley.

Naitala ni Cabana ang apat na minuto at 57.41 segundo para payukuin ang kanyang mga katropa sa Tigers Sharks na sina Aishel Cid Evangelista (5:00.59) at Iohannes Tanchongco Jr. (5:00.97) na nagkasya sa pilak at tanso, ayon sa pagkakasunod.

Humirit pa si Cabana ng pilak sa boys’ 100m backstroke kung saan nagsumite ito ng 1:01.50 habang nangibabaw si Ivo Nikola Enot ng Ateneo de Manila University na may 1:00.79 na nakuha.

Sumiguro naman ng tansong medalya si Jules Mirandilla sa men’s 50m butterfly bitbit ang 25.26 segundo na naitala nito.

Nangibabaw sa natu­rang event si Joshua Ang ng UP na nagrehistro ng bagong UAAP record na 24.96 segundo para masikwat ang ginto.

Pumangalawa lamang si Rafael Barreto ng A­teneo (25.17) segundo.

Gumawa naman ng ingay sina De La Salle University tankers Steven Ho, Chloe Isleta at Xiandi Chua na bumasag ng rekord sa kani-kanyang events.

Naghari si Ho sa men’s 100m backstroke sa record-breaking performance nito na 59.72 habang bi­nura ni Isleta ang rekord sa women’s 100m backstroke sa bilis na 1:04.13.

Sa kabilang banda, na­greyna si Chua sa wo­men’s 400m IM taglay ang 5:00.45 na bagong UAAP record.

BEST

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with