^

PSN Palaro

Labrador siblings gumagawa ng pangalan

Pilipino Star Ngayon
Labrador siblings gumagawa ng pangalan
Ang magkapatid na Marcus at Aluna Labrador na gumawa ng ingay sa Bangkok at Las Vegas.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Umagaw ng eksena ang magkapatid na Marcus at Aluna Labrador sa JRC Artistic Gymnastics Stars Competition sa Bangkok, Thailand habang nagwagi ang mga kapatid nilang sina Alani at Ava sa taekwondo tournament sa Las Vegas.

Humakot ng gold medal ang 10-anyos na si Marcus sa pommel, vault, parallel bars at kumuha ng bronze sa individual all-around at rings event sa MAG Level 2.

Si Marcus ay isa sa mga triplets nina Mark at Angel Labrador.

Bagama’t bigo sa kanyang mga events ay nagpakita ng husay si Aluna sa individual all-around (No. 12), floor exercise (No. 7), bars and beam (No. 10) at vault (No. 14) sa WAG Level 4.

Kumolekta naman si Alani ng gold medal sa poomsae at wood breaking at naka-bronze sa kyorugi sa 2022 Las Vegas Taekwondo Open habang sumikwat ang 12-anyos na si Ava ng silver sa poomsae at bronze sa wood breaking events.

Kinatawan ni Alani ang Davao del Norte sa nakaraang Batang Pinoy kung saan siya lumaban sa black belt poomsae at kasalukuyang No. 7 sa buong bansa bukod sa pagiging top rank sa Region X1.

LAS VEGAS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with