^

PSN Palaro

Creamline, Cignal lalapit sa finals berth

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Creamline, Cignal lalapit sa finals berth
Si Michelle Gumabao ng Creamline laban kay Rachel Anne Daquis ng Cignal.
PVL file photo

MANILA, Philippines — Mag-uunahan ang Cream­line at Cignal na makalapit sa finals spot sa kanilang paghaharap nga­yong araw sa pagpapatuloy ng PVL Reinforced Confe­rence round robin semifinals sa Smart Araneta Coliseum.

Nakatakda ang engkuwentro ng Cool Smashers at HD Spikers sa alas-2:30 ng hapon na susundan ng krusyal na laro sa pagitan ng Chery Tiggo at defen­ding champion Petro Gazz sa alas-5:30 ng hapon.

Paglalabanan ng Creamline at Cignal ang solong liderato matapos patumbahin ang kani-kanyang karibal sa opening day ng Final Four noong Huwebes.

Magkasalo sa unahan ang Cool Smashers at HD Spikers tangan ang parehong 1-0 marka habang may magkatulad na 0-1 naman ang Crossovers at Gazz Angels.

Aasahan ng Cool Sma­shers si outside hitter Yeliz Basa na minanduhan ang kanilang tropa sa 25-21, 25-20, 25-23 panalo kontra sa Gazz Angels.

Solido rin ang suporta ng local players partikular na sina team captain Alyssa Valdez, Jema Galanza at Ced Domingo na maaasahan ng husto sa opensa.

Kaya naman kaila­ngan ng Cignal na ilabas ang lahat ng alas nito para pigilan ang Creamline sa attack line.

Ipaparada ng HD Spi­kers si American reinforcement Tai Bierria na humataw ng 21 puntos sa kanilang huling laro.

Naitarak ng HD Spikers ang 28-26, 25-17, 25-23 panalo sa Crossovers para makalapit sa finals berth.

Maliban kay Bierria, babanat din sina Ces Molina, Riri Meneses, Angeli Araneta, at team captain Rachel Anne Daquis.

Kailangan ding magtrabaho ni libero Jheck Dionela para salagin ang bawat atake ng Creamline.

Galing ang Cignal sa tatlong sunod na laro.

Ngunit wala nang puwang ang pagod lalo pa’t nasa krusyal na estado na ang torneo.

CREAM­LINE

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with