^

PSN Palaro

Green mainit sa panalo ng Rockets

Pilipino Star Ngayon
Green mainit sa panalo ng Rockets
Dumakdak si Fil-Am Jalen Green ng Rockets laban sa Hawks.
STAR/ File

HOUSTON, Philippines — Nagpa­sabog si Fil-Am Jalen Green ng 30 points para banderahan ang Rockets sa 128-122 pagkaldag sa Atlanta Hawks.

Umiskor sina Kenyon Martin Jr. at rookie Jabari Smith Jr. ng tig-21 markers para sa 4-14 kartada ng Houston at ipinalasap sa Atlanta ang pang-walong kabiguan sa 19 laro.

Nakuha ng Rockets ang panalo sa kabila ng eksplosibong mga laro nina Trae Young at Dejounte Murray para sa Hawks.

Kumamada si Young ng season-high na 44 points at nagtala si Murray ng mga career highs na 39 points at walong triples.

Ibinigay ni Green sa Houston ang 118-117 abante kasunod ang dalawang free throws ni Garrison Mathews para sa kanilang 120-117 kalama­ngan sa Atlanta sa huling minuto ng fourth period.

Sa San Francisco, humataw si Stephen Curry ng 33 points tampok ang anim na tres sa 129-118 panalo ng nagdedepensang Gol­den State Warriors (10-10) sa Utah Jazz (12-9).

Sa Milwaukee, huma­kot si Giannis Antetokounmpo ng 38 points sa 117-102 paggupo ng Bucks (13-5) sa Cleveland Cavaliers (12-7).

Sa San Antonio, nagtala si Anthony Davis ng 25 points at 15 rebounds sa 105-94 pagdaig ng Los Angeles Lakers (6-11) sa Spurs (6-14).

Sa Boston, tumipa si Jayson Tatum ng 30 points sa 122-104 dominasyon ng Celtics (15-4) sa Sacramento Kings (10-8).

FIL-AM

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with