^

PSN Palaro

Parto, Radovan hataw ng ginto sa UAAP

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Parto, Radovan hataw ng ginto sa UAAP
Ibinida ni Hugh Antonio Parto ang kanyang gold medal.
Chris Co

MANILA, Philippines — Patuloy ang pananalasa ng Joan Mojdeh-Philippines BEST (Behrouz Elite Swimming Team) tankers sa UAAP Season 85 swimming competition na ginaganap sa Rizal Memorial Swimming Pool sa Vito Cruz, Manila.

Umarangkada sina University of Santo Tomas standouts Hugh Antonio Parto at Ivan Radovan matapos makuha ang 1-2 finish sa boys’ 100m butterfly.

Nakipagsanib-puwersa pa si Parto kina Jose Austria, John Paul Abustan at Renz Santos para masikwat ang gintong medalya sa boys’ 4x100m freestyle relay sa pamamagitan ng record-breaking performance na tatlong minuto at 45.13 segundo.

Bumawi naman si Radovan — gold medalist sa 10th Circle of Swimmers of Melun Val de Seine sa France — kung saan pinagharian nito ang boys’ 400m freestyle.

Ito ang ikalawang ginto ni Radovan matapos mama­yagpag sa boys’ 800m freestyle sa opening day ng torneo.

Nakasiguro naman ng pilak si Mervin Mirandilla ng Growling Tigers sa men’s 100m butterfly habang pilak din ang naibulsa ni Yohan Cabana sa boys’ 200m backstroke.

Hangad ng UST tan­kers na humakot pa ng gintong medalya sa pag­larga ng ikatlong araw ng bakbakan sa UAAP.

Sa overall standing, na­ngunguna ang UST sa boys’ division tangan ang 288 puntos habang nasa malayong ikalawang puwesto ang Ateneo na may 154 puntos.

Hawak din ng UST ang liderato sa girls’ class bitbit ang 301 puntos laban sa pumapangalawang University of the Philippines na may 86 puntos.

BEST

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with