^

PSN Palaro

BEST swimmers humataw ng 2 ginto sa UAAP competition

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
BEST swimmers humataw ng 2 ginto sa UAAP competition
Si BEST tanker Ivan Radovan.
Chris Co

MANILA, Philippines — Mainit ang ratsada ng mga miyembro ng Philippines BEST (Behrouz Elite Swimming Team) sa UAAP Season 85 swimming tournament sa Rizal Me­morial Swimming Pool sa Vito Cruz, Manila.

Bumanat ng tig-isang gin­tong medalya sina Ivan Radovan at Yohan Cabana upang banderahan ang Uni­versity of Santo Tomas.

Pinagharian ni Rado­van ang boys’ 800m free­style sa impresibong 9:07.35 at pumangalawa ang kapwa UST tanker na si Aishel Cid Evangelista na nagtala ng 9:07.39.

Nasa ikatlong puwesto si Alejandro Carandang ng De La Salle (9:14.38).

Hindi rin nagpahuli si Ca­bana matapos kubra­hin ang ginto sa boys’ 200m Individual Medley sa kanyang bilis na 2:15.74 para ungusan sina silver medalist Ivo Enot ng Ate­neo (2:20.37) at bronze meda­list Terrence Delvo ng UST (2:21.03).

Nakipagsanib-puwersa naman sina Radovan at Delvo kina Hugh Antonio Parto at Renz Santos para buhatin ang UST squad sa record-breaking perfor­mance sa boys’ 800m free­style relay sa bagong 8:15.22 para wasakin ang dating rekord na 8:24.86 na naitala noong Agosto 11, 2018.

Gumawa rin ng ingay si Xiandi Chua ng La Salle nang angkinin ang ginto sa women’s 100m freestyle.

SWIMMING

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with